Martes, Agosto 2, 2011

"Bagyo:Paano na Tayo?"

Sa mga nagdaang linggo, ang ating bansa ay napalilibutan na naman ng mga hangin na nagdudulot ng mga bagyo.  Napalilibutan tayo ng mga kakaibang ihip nito na siyang nagdulot ng kalungkutan sa mga taong pumanaw ang kanilang mahal sa buhay dahil dito.  Marami na ring mga araw ang nagdaan.  Mga araw na nasayang dahil sa walang pasok, lalo na ang mga elementarya at hayskul.

Ating isipin: maganda ba na tayo ay nagkakaroon ng mga pagliban ng klase dahil sa konting ulan at hangin?  Ibigay ang iyong opinyon. Maghihintay po ako!

Martes, Hulyo 26, 2011

Bakit "Mga Paglalakbay"?

Ang bukas na jornal na ito ay para sa mga kaluluwang 
may guniguning naglalakbay sa patunguhan ng kung saang
bahaging maaari siyang dalhin ng kanyang damdamin, isip, guniguni, buhay,
kaluluwa o dili kaya ay ng kanyang nakaraan, kasalukuyan o ng bukas
na naghihintay upang maging sino siya pagdating ng nakatakdang hamon ng buhay.  
Mabuhay ang mga kabataang Pilipino 
na ang hangad ay tunay na maging
pag-asa ng bayang ito ni Rizal,
isang bayang bayan mo,
bayan ko 
at
bayan nating lahat.