Ang bukas na jornal na ito ay para sa mga kaluluwang
may guniguning naglalakbay sa patunguhan ng kung saang
bahaging maaari siyang dalhin ng kanyang damdamin, isip, guniguni, buhay,
kaluluwa o dili kaya ay ng kanyang nakaraan, kasalukuyan o ng bukas
na naghihintay upang maging sino siya pagdating ng nakatakdang hamon ng buhay.
Mabuhay ang mga kabataang Pilipino
na ang hangad ay tunay na maging
pag-asa ng bayang ito ni Rizal,
isang bayang bayan mo,
bayan ko
at
bayan nating lahat.