Martes, Hulyo 26, 2011

Bakit "Mga Paglalakbay"?

Ang bukas na jornal na ito ay para sa mga kaluluwang 
may guniguning naglalakbay sa patunguhan ng kung saang
bahaging maaari siyang dalhin ng kanyang damdamin, isip, guniguni, buhay,
kaluluwa o dili kaya ay ng kanyang nakaraan, kasalukuyan o ng bukas
na naghihintay upang maging sino siya pagdating ng nakatakdang hamon ng buhay.  
Mabuhay ang mga kabataang Pilipino 
na ang hangad ay tunay na maging
pag-asa ng bayang ito ni Rizal,
isang bayang bayan mo,
bayan ko 
at
bayan nating lahat.

14 (na) komento:

  1. Ano nga ba ang paglalakbay? Saan tayo patutungo sa mga nakatakdang hamon ng ating buhay?

    Araw-araw, hindi natin namamalayan na tayo ay nag-lalakbay patungo sa ating kinabukasan, kaya't dapat nating isipin kung ano ang makabubuti sa ating bawat galaw, sapagka't ito ang direksiyon natin patungo sa ating magandang bukas.

    Kailangan nating pagbutihin ang ating paglalakbay patungo sa ating bukas, upang pag tayo ay naparoroon na sa ating paparoonan ay wala tayong mapagsisihan.

    Kaya't tahakin natin ang tamang daan patungo sa ating kinabukasan.

    TumugonBurahin
  2. Ang buhay ay paglalakbay at may nais itong patunguhan.May malinis
    at may masukal tayong daraanan.Kay sarap at kay tamis ng mabuhay sa
    daigdig kung masaya at tahimik ang paligid at damhing walang kahuliplip.
    At sa ating pagtahak sa buhay na nilalandas tayo ay may minimithing
    pangarap na gustong pagtagumpayan.Kaysarap mabuhay sa mundong ibabaw
    lalo na kung may ilang mabubuting kaybigan ang mayroon ka.


    Paglalakbay.... Kung kaya't hindi tayo nabubuhay ng ukol
    sa sarili lang dahil bahagi tayo ng lipunan na ating kinaaaniban.
    Unang una ang pamilya ang higit na mahalaga na sila ang kasama
    natin sa tuwi na at silang kaakibat natin kung may problema.
    Pagsubok man ang dumating at kahit gaano pa ito kabigat dalhin
    huwag tayong panghinaan ng loob bagkus ipagpatuloy naten ang
    ating nasimulan at huwag tayong padaig sa mga kalaban para di tayo
    malihis at matangay sa kawalan.Sa pagtahak ng daan huwag nating
    kalimutan ang Panginoon na siyang lageng andiyan upang tayo'y gabayan,
    hindi niya tayo pababayaan manalig ka lang.

    Alalahanin nating "Walang imposible sa Diyos manalig ka lng,nasa
    kanya ang awa kaya tayo naman ay kumilos at gumawa dahil hindi tayo
    makakarating sa ating patutunguhan kung tayo ay padadaig sa mga tinik
    ng ating daan kung kaya't huwag matakot at dapat lumaban.

    TumugonBurahin
  3. Pangarap sa buhay na hinahatak na daan.
    Taong may pangarap na alam kong ano ang gustong mangyari sa buhay.

    Paglalakbay kung saan may "direksyon" na tatahakin sa buhay kong ano ang magiging kinabukan.

    Tayo ang gumagawa nang ating bukas,tuparin natin ang ating mga pangarap.

    Kung anu ang itinanim,
    iyon ang ating aanihin.

    TumugonBurahin
  4. Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay at hindi isang destinasyon.May mga nakatagong sorpresa sa bawat araw na daraanan,mga di inaasahang pangyayari, masaya, malungkot, mahirap at masakit.Ito ang mga bagay na kailangang suungin natin upang malaman natin kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay,mga pagsubok na siyang magpapatatag sa atin o di kaya nama’y magpapabagsak kapag ito ay hindi natin napagtagumpayan.



    Dapat natin pag isipan lahat ng ating ginagawa sa araw-araw at hindi dapat na tayo ay padalos dalos sa ating mga desisyon, Sa bawat paghakbang ay kailangang maging maingat,maging matalino at maging matibay sapagkat sa bawat maling hakbang ay may nakalaang pagsisisi at kailanma’y hindi na maaaring ulitin ang hakbang na iyon dahil ang ating mga paa’y kasabay ng mga kamay ng orasan sa paghakbang.

    TumugonBurahin
  5. Sa aking paglalakbay, ay marami na akong natututunan, at mas dadami pa ito. Hinding hindi ako susuko sa akong paglalakbay, hangga't hindi ko pa nakakamit ang aking mga minimithing pangarap. Sa aking paglalakbay ay minsan ako ay nadadapa at nasasaktan ngunit, hindi ito sapat na dahilan para sumuko. Sa aking paglalakbay, ay marami na akong problema na nalagpasan at, at nakahanda ako sa kung ano pa man ang problema na paparating palang sa akin. Tatatayo at tatayo ako, hinding hindi ako susuko.

    TumugonBurahin
  6. ang aking paglalakbay sa aking mga problema ay hindi biro. marami man akong problema ako parin ay tuwid na nakatayo upang malagpasan ang lahat. ako ay nananalig sa diyos dahil alam ko siya ang makakatulong sa akin at siya ay may rason kung bakit may mga problemang dumadarating sa aking buhay.

    TumugonBurahin
  7. paglalakbay. para sa akin ang paglalakbay ay ang pagtungo ng isang tao kung saang direksyon sya dapat tumungo,may kaakibat na pagsubok ang bawat paglalakbay na isang tao,kaya hayaan natin ang Diyos kung ano ang plano nya sa ating paglalakbay at sundin natin kung saan Nya tayo ilalagay,dahil alm kong sa magandang lugar din tayo tutungo basta't maniwala lang tayo sa Kanya.

    TumugonBurahin
  8. Para sa akin po..hindi po dapat nating sayangin ang mga araw na dapat na tayo ay nag aaral,dahil bawat tao po ay dapat lageng natututo..Wag po tayong mga paliban ng klase kung ito lamang po ay sa dahilan ng kuntiing ulan at hangin..Dahil dito po lamang ay pinapakita na natin na tamad po tayong mga aral.At higit po lahat wag po tayong maging isang masamang ehimplo para sa mga batang naka paligid sa atin kung sila din po ay nag aaral na,kase po may posibelidad na sila din po ay tamadng mag aral.,

    TumugonBurahin
  9. paglalakbay sapagkat bawat isa sa atin ay may patutunguhan sa buhay.Sa bawat paglalakbay ay may pagsubok na pinagdadaanan.Kailangan lamang itong lagpasan at gawan ng solusyon upang maging ganap ang buhay na nasa sa atin.Sa bawat pagkakamali ay natututo tayo.Napakaraming sorpresa ang buhay natin.Hindi natin alam kong itoý masaya o malungkot na bagay na makakaapekto sa atin.Ang mahalaga ay gawin nating makabuluhan ang ating buhay gaya nga ng utos na Diyos sa atin.

    TumugonBurahin
  10. ang paglalakbay ahy isang pagsubok sa buhay ito ay binigay ng diyos pra sating mga tao
    na para tayo ay maging matatag balang araw dahil ang buhay ay napaka halaga at maraming pagsubok na dapat pagdaanan dahil dito tayo magiging matatag

    TumugonBurahin
  11. ang buhay ay prang isang paglalakbay na bawat may dumarting sa ating buhay ay isang hamon na dapat ntng harapin.. upang malampasan lht ng problema..
    mahalga ang bawat oras, pra maituwid pa lhat ng ating pag kakamaling ngawa..patungo sa magandang kna bukasan..

    TumugonBurahin
  12. Sa buhay natin hindi nawawala ang pagsubok at Hindi natin ito basta basta matatakasan. Mas mainam kung haharapin natin ito ng may katapangan sa puso't isipan. Kung malagpasan man natin ang isang pagsubok malaking ginhawa ang ating mararamdaman. Kung mabigo man tayo gawin nalang natin itong mahalagang aral na magagamit natin habang tayo'y nabubuhay sa mundo.

    TumugonBurahin
  13. Sa buhay,hindi nawawala ang problema.Lahat ng tao ay meron nito at hindi ito basta basta maiwasan.Mas maganda kung haharapin natin ito ng buong tapang.Kung malagpasan man natin ang problema natin,ito na ang isang patunay na matapang tayo.

    :)

    TumugonBurahin
  14. Ang buhay ay parang gulong! minsan nasa ibabaw minsan nama'y nasa ilalim..

    Ang ating buhay ay isang mahabang paglalakbay patungung sa kalulwalhatian..Ang Buhay nati'y inutang lamang sa Maykapal..Maari Niya itong kunin kahit sa anong oras,panahon kung kailan Niya gusto..Sapagkat karamihan sa atin ay gustong mamuhay ng payapa sa daigdig ng ating ginagalawan ginagawa nila na ang bawat araw ng kanilang buhay ay dapat hindi makakalimutan sa pagdaan ng mga panahon..Subalit ang iba nama'y gusto ng wakasan ang kanilang buhay ng maaga upang sa gayo'y makaiwas o makatakas sa kani-kanilang problema.Ang buhay ay hindi dapat tinataksan subalit ito'y hinaharap;hinaharap ang bawat hamon ng buhay..

    Yun lamang ang aking punto sa nasabing tapik. Maraming salamat..

    TumugonBurahin