Sa mga nagdaang linggo, ang ating bansa ay napalilibutan na naman ng mga hangin na nagdudulot ng mga bagyo. Napalilibutan tayo ng mga kakaibang ihip nito na siyang nagdulot ng kalungkutan sa mga taong pumanaw ang kanilang mahal sa buhay dahil dito. Marami na ring mga araw ang nagdaan. Mga araw na nasayang dahil sa walang pasok, lalo na ang mga elementarya at hayskul.
Ating isipin: maganda ba na tayo ay nagkakaroon ng mga pagliban ng klase dahil sa konting ulan at hangin? Ibigay ang iyong opinyon. Maghihintay po ako!
Para sa akin ay Hindi,sapagkat maaari mahuli sa leksyon ang pagliban ,mahalaga rin sa akin ang pag-aaral dapat ay walang nasasayang na oras at kung pursigido talaga sa pag-aaral ang isang tao gaya ko walang anumang makahahadlang dito maging bagyo man ang dumating.
TumugonBurahinSa aking opinyon, Hindi dapat tayo lumiban sa ating pasok o leksyon dahil sa bawat na leksyon na tatalakayin natin may makukuha tayong panibagong kaalaman at ito ay makakatulong satin, hindi dapat maging hadlang ang ulan o malakas na hangin sa ating edukasyon o pag aaral, pwede natin to gawan ng paraan.
TumugonBurahinHindi,sapagkat kung tayo ay liliban dahil lang sa konting ulan at hangin nagpapatunay lamang na wala tayong determinasyon sa pag-aaral.Sinasayang lang natin ang mga araw na lumilipas ng walang kabuluhan at mas lalong sinasayang natin ang mga leksyon na dapat pag-aralan.Sabi nga ng isang kasabihan,"kung gusto may paraan at kung ayaw may dahilan". Wala sanang pwedeng humadlang sa ating pag-aaral.
TumugonBurahinOo at hindi,hindi dahil marami tayong hindi magagawa at malalaman na pwede natin matotonan sa araw na tayo ay liliban,ang edukasyon ay mahalaga,ang edukasyon ay susi sa kahirapan.
TumugonBurahinOo dahil may mga ibang mga magulang na ayaw nilang mapahamak ang kanilang anak o mahal sa buhay may natotonan ka nga,pero paguwi m,ano?isasakrisyo mo ang sarili mo kaysa kaligtasan mo,dahil ang kunting ulan at hangin nagsisimula ang malakas nah bagyo,tulad din nang ginagawa ng DepEd dadating palang ang bagyo kinakansela na nila ang klase nang nasa Grade School o sa Mababang Paaralan,bakit?kasi mas mahalaga ang "kaligtasan" bgo ang lahat,pwede naman gawaan nang paraan na hindi sinasakripisyo ang kaliktasan para malaman ang mga pwedeng matotonan sa araw na iyon,tulad ng ginagawa nang DepEd "remedial".
Hindi ako sang-ayon sa pagkakaroon ng pagliban sa klase dahil lamang sa konting ulan at hangin sapagkat maaring bumaba ang grado ng isang mag-aaral dahil mahuhuli siya sa mga leksyon dahil lang sa mababaw na dahilan at kapag ang isang mag-aaral ay liliban dahil lang sa mahinang pag-ulan at hangin nagpapakita lamang ito na ayaw niya talaga matuto.Dahil kapag desidido ang isang mag-aaral na matuto ay walang anumang bagay ang makakahadlang sa kanya.
TumugonBurahinAng ulan at hangin na dulot ng bagyo. Hindi ba't nakasisira ng isang napakagandang araw? Isang araw na puno sana ng kaligayahan.
TumugonBurahinMadaming tao ang naapektuhan ng ulan na dulot ng bagyo, mga inosenteng bata na nais pumasok sa paaralan upang matuto nanaman mula sa leksyon na ituturo sana sakanila ng kanilang guro, ngunit sinira ng isang ulan, sapagka't suspendido nanaman ang klase dahil sa may bagyo nanaman, kawawang mga bata na sana may natutunan nanaman mula sa paaralan. Hindi ba't nakakasira ng isang magandang araw ang ulan, hindi mo magawa ang iyong nais gawin sa araw dahil sa ulan nanaman, nagpapa-lungkot sa ngiti ng ating haring araw. Marami ring naapektuhang mga kabuhayan, tulad ng mga magsasaka na hindi makapagpatuyo ng kanilang naaning palay sa ilalim ng araw, at mga tahanang nasisira dulot ng malakas na hangin na dala ng malakas na bagyo.
Ulan at hangin na dulot ng bagyo, umalis na kayo, upang ang mga tao ay bumalik na sa kasiyahan at maipatuloy ang masayang araw na iyong pinutol.
Hindi ako sang-ayon sa pagliban ng isang bata sa kanilang klase. Ang konting ulan at hangin ay hindi sapat na dahilan para lumiban sa klase.Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil ito lamang ang tanging pamana na maibibigay ng ating mga magulang at hindi ito mananakaw sino man. Pwede siyang mahuli sa kanilang leksyon at maaaring bumaba ang kaniyang grado.
TumugonBurahin..uhmm, ayon sa tanong, "..dahil sa KONTING ulan at hangin."
TumugonBurahinPara sa akin, hindi nararapat na tayoý lumiban sa ating mga klase dahil lamang sa kakaunting banta ng hangin o ulan. Sapagkat, nagiging dahilan ito ng katamaran ng ilan sa ating mga estudyante. Halimbawa na lamang kapag mayroon kayong nakatakdang pagsusulit kinabukasan na talaga namang iyong pinagpuyatan kinagabihan tapos biglang malalaman mo na lamang na ilang araw palang mauudlot ang klase ninyo dahil sa bagyo, kahit sino naman siguro, maging ako, ay magkakaroon ng konting katamaran dahil sa konting pagkadismaya sa naudlot na pagsusulit.
At kung ating iisipin napakaliit na dahilan ang kakarampot na ulan o hangin upang ating sayangin ang bawat oras na atin sanang ilalaan sa pag-aaral. Ayon nga sa kasabihan, "TIME IS GOLD" Hindi na maibabalik pa ang mga oras na lumipas na.
hindi. dahil sayang ang oras. ang oras ay mahalaga. kung laging walang pasok dahil lamang sa konting ulan at hangin. maaring malagpasan o di kaya ay mahuli sa mga paksang dapat nating matutunan.
TumugonBurahinKung konti ang ulan at mahina lang naman ang hangin, sa tingin ko ay di dapat ipagpaliban ang klase. Pero, dahil sa pabago-bago nating klima, may mga pagkakataon na lumalakas ang ulan at hangin, na magiging dahilan ng pagliban ng klase. Pero, kahit ipagpaliban ang klase, nakasalalay pa rin sa isang estudyante kung mag-aaral ba siya kahit walang pasok. Kung determinado talaga ang isang estudyante na mag-aral siya, kahit walang klase ay mag-aaral siya. Pag pinagliban ang klase, di matuturuan ang mga estudyante ng kanilang mga guro, at sayang ang oras na yun na sana ay nailaan sa pag-aaral, pero, nasa sa ating estudyante pa rin yan kung sasayangin ba natin yung oras na yun. Oo nga at walang klase, pero may mga leksyon naman na madaling intindihan o yung tinatawag na "self-explanation". May mga leksyon na sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ay maiintindahan na natin agad. Para sa mga leksyon naman na mahirap, pwede naman tayong mag-"advance reading" doon para kahit paano ay may ideya na tayo.
TumugonBurahinKung sa mahina lang naman at kaya ng estudyante, mas maganda kung wag nalang iantala. Pero kung malakas ang ulan at hangin, mas maganda nalang kung iantala dahil ang mga estudyante rin ang maapektuhan.. Pero gaya ng sabi ko kanina, walang oras na masasayang kung magsisikap kang mag-aral.
Dapat nga lamang ma mag karoon ng klase ang mga magaaral sa elementarya at high school kahit na umuulanat humahangi basta mga lamang na hindi ito talagang napakalakas.
TumugonBurahinKung papasok sila madadagdagan na nga ang kanilang kalaman magiging ligtas pa sila sa kahit na ano pamang mga trahidya ang mga mangyayari.
Alam naman natin na kailangan ng bawat isa na makapagaral kaya pipigilan paba natin na sila ay makapagaral.
Sang ayon ako na magkaroon ng pag liban sa klase sapagkat sa panahon ngayon mas mabuti na ang nag-iingat. Di natin masasabi kung ano ang pwedeng mangyari kung nagpatuloy ang ulan at hangin. Maaari itong lumakas. Kaya mas mabuti na ang nag-iingat.
TumugonBurahinSa tingin ko po ay hindi sapagkat konting ulan at hangin lang naman ang dala ng panahon. Hindi po ito sapat na dahilan ng pagliban. Alam naman ng lahat na ang edukasyon ang siyang sandata ng isang tao saan man siya magpunta o sinuman ang kanyang kasalamuha. Sayang ang bawat patak ng oras na mapupunta lamang sa wala. Di bat edukasyon ang susi tungo sa kaunlaran? Nararapat lamang na ito ay pahalagahan ng taong mayroong pribilehiyong makatamo nito. Ngunit dahil din sa pabago-bagong klima na dulot ng paghina ng ating kalikasan na tayo rin ang may sala sa pagkakasira nito at kung patuloy pa nating ipagsasawalang bahala ay tayo rin ang magiging kawawa. Ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mabigyan tayo ng maagang abiso tungkol sa mga darating pang sakuna at nang sa gayon ay tayo na rin makapaghanda.
TumugonBurahinPara sa aking opinyon, dapat lang na ipagpaliban ang klase kung malakas ang ulan at hangin.kung kunti ang ulan at mahina ang hangin di dapat ipagpaliban ang klase. Pero dahil sa pabagobago ng klima ay nakadepende na rin sa estudyante, Kung ito ay sisipagin mag-aral o di kaya tamad mag-aral.Wala rin tayong matutunan kapag ipinagpaliban ang klase At maaaring masayang lamang ang binabayad nating pangmatrikula na pinaghihirapan ng ating mga magulang.
TumugonBurahinIsipin din natin na naghihirap ang ating mga magulang sa pagtatrabaho para lang sa ating pangmatrikula. Kaya dapat na mag-aral tayong mabuti dahil ito lang ang maipapamana ng ating magulang. Ang Edukasyon.
para saakin, hindi dapat kanselahin ang klase kapag di gaano malakas ang ulan at hangin. Obligasyon parin ng studyante kung papasok ba siya o hindi. Sayang naman ang oras at panahon na dapat ay nasa skwelahan tau at nag-aaral. Kung baha naman sa lugar ng ibang studyante maaari itong lumiban sa klase.
TumugonBurahin-----------------------------rJ---------------------------
TumugonBurahinHindi ako sumasang ayon na ipagpaliban ang mga klase ng dahil lang sa konting ulan at hangin. Dahil wala naman sigurong mangyayaring masama sa isang mag-aaral kung siya ay papasok ng my konting ulan at hangin, wala naman sigurong mangyayaring masama sa mag-aaral kung siya ay magiingat diba. At isa pa, para sa kanya rin naman ang kanyang gagawing "KONTING SAKRIPISYO".
*At kung sakali mang lumala na ang panahon, ikakansela naman ng paaralan at pauuwiin na rin nila ang mga mag-aaral. :)
Ang edukasyon ang susi sa ating pagunlad at isa sa mga kayamanang lagi nating dala at pwede nating ipagmalaki.Ngunit kung nakasalalay na ang ating kaligtasan,sa mga pagkakataong ganito, palagay ko ay mas dapat nating bigyang tuon ang ating kaligtasan.Ang lahat ng ating pinaghirapan ay mababaliwala kung tayoy mapapahamak.Meron namang mga eksperto na nagbibigay impormasyon sa atin kung maaari ba tayong pumasok o hindi,sila ang mas nakakaalam sa mga ganitong bagay, at kung ang pagliban sa klase ay binatay sa mga impormasyong ibinigay ng mga kagawarang binubuo ng mga ekspertong ito sa tingin ko ay mas mararapat kung atin nalang susundin.
TumugonBurahinPara sa akin, hindi dapat ipagpaliban ang klase dahil lamang sa kaunting buhos ng ulan at mahinang hampas ng hangin dahil hindi ito sapat na rason upang hindi na pumasok ang isang estudyante sa paaralan. Lalong lalo na sa tulad nameng mga nagaaral na sa kolehiyo, kami na ay nagaaral sa mas mataas ng lebel at hindi na dapat itulad sa hayskul na pa"easy-easy" lang at kung tag-ulan ay ayos lang kahit hindi pumasok. Ako ay sasangayon na ipagpaliban ang klase kung napakalakas na ng ulan at hampas ng hangin dahil makakasama na ito sa estudyante lalo na sa kanyang kalusugan..
TumugonBurahinSa aking opinyon, hindi dapat tayo lumiban sa klase sa kadahilan
TumugonBurahinlamang ng konting pag-ulan,napakaduwag naman natin kung gayon,o di
kaya naman dahil na rin sa katamaran kung kayat ang iba ay sang-ayon
at ibig na rin sa pag kansela ng klase.Kung di naman grabe ang sitwasyon
dapat tayong pumasok,ako nga sa amin noon kahit baha pumapasok ako,
bilib nga guro ko nun eh hindi ako takot sapagkat sayang ang kaalaman na
dapat mung matutuhan.
Malay naten baka sa araw ng ating pagliban ay ituturo ang isa sa pinakamahalagang
bahagi ng ating pag-aaral upang ihanda tayo sa ating hinaharap datpwat ikaw ay
lumiban,paano na?Eh di napalampas mo ang pagkakataong malaman ang dapat mong
malaman.Tsk!tsk!sayang naman...Tandaan nating ang nakalipas ay hindi na maaaring
ibalik at maulit pa kung kayat habang tayo ay may pagkakataon huwag naten itong
sayangin sapagkat maraming dapat gawin.Habang tayo ay hinuhubog ng pagkakataon,
kailangan nating sanayin ang ating sarili sa paggawa at pag-isip ng tamang
desisyon upang tayo ay hindi magkamali.Ang paggawa ng tamang desisyon sa buhay
ay susi sa ating pinapangarap na tagumpay.!!
May kasabihan tayong"Ang hindi umaayaw ay nagwawagi at ang umaayaw ay hindi nagwawagi"
at dapat sa anumang ginawa mo ay handa ka sa ganti nito dahil kung mahina ka at mali
ang iyong pasya,masasabi mong"Nasa huli ang pagsisisi".Kaya kapwa ko estudyante huwag
sana tayong tamarin sa pagpasok kasi para din naman sa atin ang ating ginagawa at para
sa ating pamilya.Mahalaga ang karunungan dahil ito ang magdadala sa atin sa kaginhawaan.
Ito ang inyong likod-JOANA ROSE PASCUAL at nagsasabing"that's all thank you!!!"
Sa aking opinyon, hindi dapat tayo lumiban sa klase sa kadahilan
TumugonBurahinlamang ng konting pag-ulan,napakaduwag naman natin kung gayon,o di
kaya naman dahil na rin sa katamaran kung kayat ang iba ay sang-ayon
at ibig na rin sa pag kansela ng klase.Kung di naman grabe ang sitwasyon
dapat tayong pumasok,ako nga sa amin noon kahit baha pumapasok ako,
bilib nga guro ko nun eh hindi ako takot sapagkat sayang ang kaalaman na
dapat mung matutuhan.
Malay naten baka sa araw ng ating pagliban ay ituturo ang isa sa pinakamahalagang
bahagi ng ating pag-aaral upang ihanda tayo sa ating hinaharap datpwat ikaw ay
lumiban,paano na?Eh di napalampas mo ang pagkakataong malaman ang dapat mong
malaman.Tsk!tsk!sayang naman...Tandaan nating ang nakalipas ay hindi na maaaring
ibalik at maulit pa kung kayat habang tayo ay may pagkakataon huwag naten itong
sayangin sapagkat maraming dapat gawin.Habang tayo ay hinuhubog ng pagkakataon,
kailangan nating sanayin ang ating sarili sa paggawa at pag-isip ng tamang
desisyon upang tayo ay hindi magkamali.Ang paggawa ng tamang desisyon sa buhay
ay susi sa ating pinapangarap na tagumpay.!!
May kasabihan tayong"Ang hindi umaayaw ay nagwawagi at ang umaayaw ay hindi nagwawagi"
at dapat sa anumang ginawa mo ay handa ka sa ganti nito dahil kung mahina ka at mali
ang iyong pasya,masasabi mong"Nasa huli ang pagsisisi".Kaya kapwa ko estudyante huwag
sana tayong tamarin sa pagpasok kasi para din naman sa atin ang ating ginagawa at para
sa ating pamilya.Mahalaga ang karunungan dahil ito ang magdadala sa atin sa kaginhawaan.
Ito ang inyong lingkod-JOANA ROSE PASCUAL at nagsasabing"that's all thank you!!!"
para sa akin,hindi dapat lumiban sa klase.Dahil kakaunti lamang ang ulan at hangin,ay kaya na natin ang ganyang panahon dahil kaya na nating alagaan ang ating sarili.Tsaka marami kang ma-mimiss na leksyon kaya mahihirapan ka ng makasabay sa klase sapagkat lumiban ka ng klase.
TumugonBurahinTsaka kng gusto mu talagang matuto sa at detirminado kang mag aral,kahit malakas man yang ulan ay papasok ka.
Hindi ako sang-ayon sa pagkakaroon ng pagliban sa klase dahil sa konting ulan at hangin sapagkat sa pagliban na iyon ay marami ng matutunan ang mga estudyante. Sa halip na mag-aral ay nakaupo, natutulog, nanunuod ng t.v. o kung anu-ano ang pinagkakaabalahan ng mga mag-aaral kapag suspendido ang klase. Maraming masasayang na oras. Katamaran ang pagliban ng klase dahil sa ganitong dahilan. Dapat tandaan na anumang unos ay hindi dapat humadlang sa ating pag-aaral. Kaya sana po ay huwag tayong tamarin sa pag-aaral dahil ang edukasyon ang siyang susi upang makamit natin ang ating mga pangarap.
TumugonBurahinhindi ako sang ayon dahil , dito nakasalaly ang ating mga kinabukasan dahil nasasayang rin ang ating binabayad sa ating paaralan . kung ipagliliban ang anting mga klase tayo ring mga estudyante ang kawawa sapagkat hindi tayo natuturuan ng maganda at sila rin ang nakikinabang sa ating binabayad .upang matupad naman ang pangarap ng aming mga magulang.
TumugonBurahinPara sa akin, hindi dapat ipagliban ang klase kapag di gaano malakas ang ulan at hangin. Pero nasa studyante parin ang kasagutan kung papasok ba siya o hindi. Sayang naman ang oras at panahon na dapat ay nasa skwelahan tau at nag-aaral. Kung baha naman sa lugar ng ibang studyante maaari itong lumiban sa klase.Pero kung hindi naman bumaha dahil mahina lng ang ulan at hangin ay dapat pumasuk tau.At kung gusto m tlagang matutu ay dapat pumasuk ka para hindi masayang ang mga lesson at activity na dapat ay ginagawa m rin gaya ng iba.
TumugonBurahinHindi ako sang ayon,sapagkat ang pagkakaroon ng pagliban sa klase ay nagdudulot ng pagkahuli sa mga leksyon na tinuturo ng guro.Maaring magliban kong ito man ay malakas at delikado lalo na sa mga bahain ang kanilang lugar.Kung ito nman ay may kahinaan mas makakabuti nalang na pumasok para hindi mahuli sa mga leksyon
TumugonBurahinMagandang araw!
TumugonBurahinPara sa akin ako'y hindi sang-ayon sa pagliban ng klase sapagkat ito lamang ay isang kaunting pag-ulan at hangin na nararanasan ng isang lugar na hindi masyadong naapektuhan ng bagyo. Maari lamang na ipagliban ito kung kinakailangan at kung medyo may kalakasan na ang hangin at pag-ulan.Bagamat hindi isang rason ang kaunting pag-ulan upang maisuspinde ang klase mas makakabuti kung sumangini sa mga tao ng paaraln para sa kasiguruhan..un lamang magandang tanghali
para sakin .. hndi dapat na mapagliban ang klase .. sapagkat sayang ang mga lessons na dpat na napag aralan o natalakay , dhil kung plagi nlang suspendido ang klase .. maraming aralin na di na matalakay dhil sa kakulangan ng panahong pag aralan ito
TumugonBurahinHindi dahil konti lamang ang ulan at hangin.Sabi nga nila kong gusto mo madaming
TumugonBurahinparaan pero pag ayaw mu madaming dahilan.Kaya kong gusto mo talagang makapasok
sa iyong klasi ay madami kang magagawang paraan kahit medyo malakas pa yang ulan
at hangin.Kasi gusto mo talagang matoto at para saakin ang iasang araw na pagliban mo
sa klasi ay madami kanang makaliligtaang mga tinalakay nang iyong guro at katumbas
ng isang araw na iyon ay malaking kabawasan iyon sayo na dapat matutunan mo sa araw
na iyon..
Ang kaunting at panaka-nakang pag-ulan ay may dalang perwisyo at kapaki-nabangan. Unahin natin ang kapaki-nabangan isa sa mga nakiki-nabang sa pagulan ay ang mga mag-sasaka dahil hindi na nila kailangan mag-bayad ng mga water pump para sa patubig ng kanilang mga pananim.
TumugonBurahinnariyan din ang mga napepperwisyo dahil sa pag ulan isa na riyan ang mga labandera at labanderong katulad ko dahil sa masamang panahon hindi natutuyo ang kanilang mga nilabahan na mga damit.
Ang isang araw ang pagliban sa klase dahil sa masungit na panahon ay malaking kawalan sapagkat hindi lamang isa kundi marami ang mga sabjek na kanilang nalalagpasan.Subalit kung kinakailangan dapat nang lumiban dahil pwedeng malagay sa panganib ang buhay ng isang tao dahil sa mga di inaasahang pangyayari sa gitna ng sakuna tulad sa isang bagyo.
Subalit kailangan nating tanggapin na pag may bagyo ay WALANG PASOK!.Tulad nga ng sinasabi ni kuya Kim ang buhay ay Weather Weather lang.
Para sa akin ay hindi.Hindi dahil sayang ang binabayad naming tuition.Wag naman sana nila kaming ihalintulad sa mga hayskul at elementarya na kunting ambon lang ay wala ng pasok.
TumugonBurahinBatid kong hangad lamang ng paaralan ang kaligtasan naming mga estudyante subalit kailangan din sana nilang isaalang-alang ang hirap at pagod ng aming magulang para lang kami ay makapasok sa paaralan.
Para sa akin ay hindi.Sapagkat naniniwala ako ang ang edukasyon ang susi sa pagunlad ng ating bayan,kayat dapat huwag balewalain at huwag gawing hadlang ang mga maliliit na harang sa buhay gaya ng mga mahinang hangin at konting ulan dahil sa bandang huli tayo rin ang makikinabang o maaapektuhan sa mga kilos na ating gagawin sa kasulukuyang mga panahon.At kapag lumipas na ang panahong sana ay dapat nagpursige ka at nagsikap ka tiyak na magkakaroon ka ng higit pa sa mga pinapangarap mung buhay nung ikw ay nagsisimulang bumuo ng mga pangarap mu sa buhay.Kaya dapat maging pursigido at maging determinado ka sa lahat ng mga humahadlang gaano man kahirap ang mga ito..
TumugonBurahinI object!!!!
TumugonBurahinAng pagkakaroon ng kaunting ulan at hangin ay hindi hadlang para ikansela ang klase para sa Elementarya at Hayskul.Maaari kung ito'y isang kalamidad.Ang pagkansela ng klase ay malaking epekto sa mga estudyante katulad ng pagkahuli sa mga aralin.Marami namang alternatibong paraan para hindi makaliban sa klase ang isang estudyante.Katulad ng pagdadala ng patong o kapote pamproteksyon sa ulan,pagsusuot ng bota pamproteksyon naman sa kaunting baha at iba pa.Sabi nga nila, "Pag gusto maraming magagawang paraan,Pag ayaw maraming dahilan".
Kung kunting ulan lamang at hangin, para sa akin hindi dapat kanselahin ang klase dahil hindi pa naman ito kalakasan. Hanggat kaya nang ating sarili bakit hindi? sayang naman ang leksyon na ituturo at sayang ang araw. mayroon namng panangga sa ulan tulad ng payong. ang tanging kailangan lang sa tuwing nakakaranas ng hangin o ulan ay ang pag iingat dahil kapag tayo ay nag ingat malayo tayo s sakit. kaya hindi dapat ikansela ang klase dahil mayroon namang dahilan.
TumugonBurahinWika nga"if there's a wheel,there's a way..
TumugonBurahinPara sa akin,hindi ako sangayon sa paglisan ng mga ilang estudyante sa kani-kanilang klase dahilan lang ng kunting ulan t hangin?
Dalawa lang ang reasons dyan eh,,,kung bakit kailangan nilang lumisan,una maaring ayaw nilang pumasok o di kayay tamad lang talaga sila...
Kasi kung talagang pursigido pumasok gagawin mo ang lahat para hindi lumiban sa klase...Di ba?
sa kasalukuyan ngayo.maraming namamatay dahil sa madaling pagtaas ng tubig kahit sa kunting ulan lamang.di mo masasabing
TumugonBurahindi tataas ang tubig dala narin ng kapabayaan ng mga tao sa ating kapaligiran na syang nag dudulot ng pag taas ng tubig
tulad nalng ng mga basura na sanay nasa tamang tapunan ngunit ito ay di tinatapon sa tamang lalagyanan naka lagay lamang
ito sa mga banawang na bumabara sa pag agos ng tubig na siya namang nagbibigay publima sa mga stuyante ..dahil dito
napipilitang mag liban ng klase ang ibang mga stuyante ka tulad natin maaring naka dipindi narin ito sa ating pinag
papasokang skwilahan kung may sanhi ba ng pagtaas ng tubig .maaaring sa aking opinyun ito ay naka dipindi na sa ating
sarili kung tau ay papasok 0 hindi..
ngunit sa decisyon nating iyan naka dependenaren ang tinatahak mong lugar kung ano ka sa panahong 2030 ikaw bay magiging matanda na naka upo sa gilid ng kalsada na naka taas ang isang kamay at nag sasalita ng palimos po ginang o ate anak.parang awa nyo na hindi pa ako kumain ng dalawang araw at sasabihn mo sa pinaglilimsan mo "pls forgive me know i realize my fault.when I was studying im just travel kasama ang aking barkada....?".kaya ngayun ako ay na dorusa..kaya dapat nating isa alang alng ang ating pag aaral upang tau ay d maging matandang biggars kahit anomang dumating na pagsubok sa ating buhay khit na ulan yan malakas man o hindi kailangan nating pmasok.naka salalay naren ang ating magandang kinabukasan na sanay ito ang syang daan sa maganda kabuhayan...nag mamahal sa iyong lahat mabait at masipag genmarc minon..jok lang ^_^!
TumugonBurahinkung ako ang tatanungin,dipindi ang sagot ko,kasi hindi naman natin alam kung mahina nga talaga yung darating na bagyo o yung dumating na bagyo.Kung sakali mang magiging malkas ang ulan,kasilahin na ng mas maaga ang klase para naman hindi na maabala ang ibang mag-aaral.Sayang rin kasi yung oras na dapat ay asa paaralan ang mga studyante upang mag-aral at matutu.Dahil nga sa susunod-sunod na bagyo.
TumugonBurahinSa kabilang banda, kailangan ding ipagpaliban ang klase, kung talagang malkas ang ulan at ang hangin,dahil magiging kawawa naman ang mga studyante.Mababasa sila,at baka magkasakit pa at mas lalong maging sanhi ng mas matagal na pagliban sa klase.
Bakit nga ba nagkakaroon nang pagliban sa klase kung mayroong napabalitang mahangin at maulan na panahon kahit na ito ay mahina lamang? Nakakatulong ba ito sa atin?
TumugonBurahinKung ako ang tatanungin ay di dapat magkaroon nang pagliban sa klase kung mahina lamang ang ulan at hangin sapagkat nasasayang ang oras natin sa pagaaral. Ang mga lesson na dapat ay natapos na ay nahuhuli dahil sa mga pagliban na ito.
Ngunit di natin masisisi ang karamihan kung bakit kailangan na magkaroon nang pagliban sa mga klase. Unang una ay dahil sa ating mga magulang. Di natin maalis sa ating mga magulang ang magalala at matakot sa maaring mangyari kung mayroong napabalitang ganitong panahon dahil na din sa mga nababalitaan na mga trahedya na maaaring ikasawi nang kahit na sino.
Pangalawa dito ay ang abiso nang mga nakakataas o nang gobyerno na siyang pinagbabasehan natin kung may pasok man o wala. Kung minsan ay di maintindihan ang ulat nang mga ito dahil sa mabilis na pagbabago nang ating panahon o klima sa ngayon. Di na alam o di na nila matantya kung kailan lalakas o hihina ang bagyo, ulan at hangin na siyang dahilan nang pagliban natin sa klase.
Sa kabilang banda ay maraming nasasayang na leksyon na dapat ay tapos na at mga oras na nasayang dahil sa pagliban sa klase.
Ang pinaka-mabisang paraan na lang dito ay ang pagiingat at pakikiramdam sa ating panahon. Hindi natin masisisi ang ating kapwa sa pagliban dahil sa takot na baka may mangyaring di maganda sakanila.
Ngunit kung ako lang ang tatanungin, di ako liliban sa klase kung di naman kailangan. Kung alam kong di naman talaga ganun kalakas at kadelikado ang klima o panahon ay mabuting pumasok na lang at pagaralan ang mga dapat talakayin na di dapat pang ipagpaliban dahil sa madaming nasasayang at madaming naaaksaya.
Maraming napeperwisyo ang panahong ganito, ngunit isipin din natin na may naitutulong din itong malaki saatin lalo na kung may mga bagay na di inaasahang mangyari.
para sa akin,hindi sapat na kadahilanan ang pagliban sa klase dahil sa kaunting buhos
TumugonBurahinng ulan at hampas ng hangin,maaring lumiban lamang sa klase kapag talagang masama na a
ng panahon,sayang naman ang isang araw na matototonan at kong talagang gusto mong matoto
o interesado kang matoto hindi ito ang sapat na dahilan.laging may paraan kong gusto
mong umunlad sa iyong buhay
para sa akin, hindi sapat ang mahinang ulan at hampas ng hangin upang ipagpaliban ang klase, masasayang naman ang isang araw ng pagkatuto at madagdadagan ang kaalaman ng isang estudyante.
TumugonBurahinkung sakali lumakas naman ang bagyo, wala tayo magagawa kundi ipagpaliban ang klase sapagkat ayaw natin mapahamak ang ating sarili.
nasa atin pa rin ang desisyon kung gusto natin talaga intersado tayong pumasok.
para po sa akin hindi po maganda na magkaroon tayo ng pagliban sa klase kong may mahinang ulan at konting hangin lamang sapagkat sayang po yong kaalaman na mapupulot natin sa isang araw at isa pa po konting ulan lang naman at pwede naman tayong magdala ng panangga sa ulan tulad ng payong..
TumugonBurahinpara sa akin hindi kailangang lumiban sa klase kung may mga kaunting pag ulan at hangin lamang sapagkat maaari naman tayong magdala ng payong upang panangga sa ulan upang tayo ay hindi mabasa o maulanan. kahit gaano pa man kalakas ang ulan kung walang pahintulot ang DepEd ng walang pasok ako ay papasok pa rin dahil ako ay pursigidong hindi lumiban sa aking klase.
TumugonBurahinSa pag-aaral, mahalaga ang bawat oras, hindi natin hinahayaan masayang ito. Kaya aking palagay, hindi dapat kanselahin o ipagpaliban ang klase dahil sa konting ulan at hangin lang at masasayang lang ang isang araw na klase kung ipagpapaliban nila dahil sa konting ulan lang at hangin. Pero kung ang kaligatasan ng estudyante ang pag-uusapan, mas mabuti nang huwag na lang silang pumasok dahil baka anong pang mangyari sa kanila at masisi pa ang Dep-ed. At sana kung talagang may paparating na bagyo sa ating bansa,dapat palaging alerto ang pag asa sa pag-update sa atin. At kung walang pasok, mas mabuti ng sabihin kaagad ng Dep-ed ng mas maaga para hindi masayang ang baon ng mga estudyante at hindi pa sila maabala.
TumugonBurahinPwede naman mag-aral ang estudyante sa bahay kung talagang interesado silang mag-aral at matuto.
Dapat lagi natin iniisip kung ano ba dapat ang kailangan gawin. kung ito ba ay magandang idea or maling idea. Hindi dapat natin ibang liban ang klase kapag merong ulan at hangin. Pero kung sinabi na lalakas pa ang ulan at magiging mahirap para sa estudyante nag pag pasok dapat rin ito ay bigyang pansin.
TumugonBurahinMahalaga sa atin ang pag aaral, kaya kung ipagpapaliban natin ang ating pag aaral sa konting ulan lamang ay wala tayong matututunan kung ating itong ipagpapaliban. Kaya hindi maganda kung ito ay ating ipagpapaliban.
TumugonBurahin-John Ralston Misrach II C. Clavel
ang ating pagaaral ay mahalaga sa ating mga kabataan ngaun, kong kayat kailangan nating linangin ito. para sa akin ang konting ulan ay hindi pa nakakasagabal sa ating pagaaral kong kayat hindi dapat ipagpaliban ang ating klase tuwing may konting ulan
TumugonBurahin-jeffrey cervantes-
ahmmm...para sa akin ay ayos lng na magkaroon lang tayo ng paminsang minsang ulan sapagkat karaniwan na sa ating bansa na makaranas ng ulan sa iba't ibang dako ng pilipinas ngunit hindi ang ulan ang maging rason natin kapag magkakansela ng klase sapagkat maraming mga pagsusulit ang hindi mapag-aaralan ng mga studyante kapag kanselado na lang lagi ang klase. anu na lamang kung ulan ng ulan
TumugonBurahinlagi nadin bang kanselado ang klase? baka ito'y maging sanhi pa kung bakit tinatamad na ang mga studyante na pumasok pa,,,dahil lagi nalng kanselado ang klase....
-john rusty aquino-
Para sa akin hindi ako sumasangayon na magkaroon ng pagliban sa klase ng dahil lang sa konting ulan at hangin. Sapagkat hindi iyon rason para lumiban sa klase. Dahil nasasayang ang isang araw na dapat ay mapagaralan sa klase.. Kya maaring mahuli ang magaaral sa knilang leksyon at maaring bumagsak ito sa kanyang subjects.
TumugonBurahinNgunit nasa isang magaaral na rin yan kung papasok sila o hindi, dahil iniisip din nla ang knilang kaligtasan sapagkat maaring lumakas parin ang ulan.
para sa akin mahirap ung paliging ganun dahil sa marami ang masasayang na kaalaman na dapat maidagdag sa aming kaalaman...marahil nararapat ng ilipat ang buwan ng iskwela sa september... ayon sa nasa itaas dahil kawawa ang mga elementary at high school..
TumugonBurahinPara sa akin hindi dapat lumiban sa klase sapagkat bawat araw na ikaý nasa paaralan ay iba't ibang mga talakayan ang nagaganap,dahil dito baka mahuli ka sa mga talakayan.Napakahalaga ng pag aaral sa kasalukuyan kaya dapat pahalagahan natin ito.Sa problema ito,mayroon namang mga solusyon,gaya na lamang ng pagdadala ng payong upang hindi mabasa.
TumugonBurahinSadyang mapanganib ang bagyo,,maari itong magdulot ng pagkasira ng ari-arian at kamatayan..madaming dapat isakripisyo pag may bagyo,,isa na rito ay ang mga araw na walang pasok..para sa akin kung ang dalang hangin at ulan ng bagyo ay mahina lamang hindi na kailangan ng kanselasyon ng klase..sayang naman ang isang araw ng kaalaman kung makakansela ang klase. kaya dapat na magbigay ng tamang aksyon ang gobyerno at PAGASA sa pagharap sa mga bagyo........
TumugonBurahinpra saakin ay dpat pa dn pumasok kht may bagyon depende dn nmn sa signal ng bagyo kng mejo mlkas ay dpat suspendehn ang klase ng mga elementarya at highschool..dpat dn tau lgi nkikinig oh nanunuod ng balita pra malaman kng may pasok oh wala..
TumugonBurahinpra sa akin dapat pumaxuk kung wla nmang sinasabi ang PAGASA na wlang psuk kasi sasabihin nmn ng PAGASA kung wlang psuk eh
TumugonBurahinAng pagliban ng klase kapag may ulan ay isang tamang gawain. Kapag nabasa tayo ng ulan ay maaari tayong magkasakit. Magdudulot ito ng paggastos sa mga gamot na kailangang bilihin at dahil sa pinambili sa gamot ay wala na kayong pambili ng makakain kung wala nang makain, paano na ang kalusugan?saan nga ba hahantong ang tagpong ito?siyempre,maaaring ikamatay kung hahayaan na lang ito.
TumugonBurahinPero ang pinaguusapan ay ang pagliban ng klase kahit mahinang ulan lamang at malakas na hangin. Para saan ba ang payong?hindi ba't panangga ito sa ulan?kung di ka magiisip at di mo gagamitin ang payong ay talagang magkakasakit ka dahil sa ulan. paano naman kung mahangin?maaari naman gamitin ang kapote dahil isa rin itong panangga sa ulan. Hindi na kailangan ipagpaliban ang isang klase tulad ng mga nasa kolehiyo at hayskul. Kung ipagpapaliban ang isang klase,paano na ang binayad mo?sayang din yun. Sayang din ang matutunan mo sa eskwelahan. Pati ang baon ay sayang din lalo na kung ang baon mo tuyo at may suka at kulang na lang ang kanin. Ang mga Elementarya at Kinder ay maaari siguro na ikansela na ang pagpasok dahil mga bata pa sila. Ngunit kung ang abiso ng PAGASA ay wag ng pumasok ay maaari na lamang wag ng pumasok. Makinig na lamang sa mga detalye tungkol sa pag-ulan. Wag na wag din kalilimutan ang "72 hours kit" kung may mga bagyo sa ating bansa. Maging handa sa mga sakunang darating sa atin. Mahirap kalabanin ang kalikasan kung kaya pangalagaan natin ito. Tayo rin naman ang makikinabang.
--Jones Gloria Tamayo--
para sa akin mas magandang ipagpaliban muna ang klase, sapagkat ang simpleng pag ulan ay maaring magdulot ng biglaang pagbaha. epekto ito ng global warming... at dapat lagi tayong makinig sa mga balita.. para malaman ntin kung may pasok o wala..
TumugonBurahinPara sa akin ang konting ulan ay hindi sapat para kanselahin ang klase dahil masusulusyonan naman ito ng pagdadala ng payong. Hindi naman siguro tayo magkakasakit sa konting ulan. Dahil sa mga araw na walang pasok nababawasan ang naituturo ng guro at nahuhuli sa topic.
TumugonBurahinPara sa akin kung hindi naman malakas ang ulan ay hindi dapat kanselahin ang klase sapagkat nababawasan ang mga araw na dapat ay nilalagi namin sa paaralan at dahil dito nababawasan rin ang kaalaman na amin sanang matututunan.
TumugonBurahinKung ako po ang tatanungin hinggil sa isyu kung kailangan bang isuspende ang klase sa mga paaralan sa mga panahong nagkakaroon ng bagyo, ako po ay sumasang-ayon. Maging hindi masyadong masungit ang panahon o mahina lang ang ulan at hangin nararapat lamang na isuspende ang klase. Hindi po kasi natin hawak ang panahon. Paano na lamang po ang mga batang malalayo ang paaralan sa kani-kanilang eskwelahan kung biglang lumakas ang hangin at ulan. Ayon po kasi sa mga napapanood kong balita, minsan ay may mga kabataang naaaksidente o tinatamaan ng mga punong natutumba kapag masungit ang panahon. Ayoko pong mangyari iyon sa ating mga kababayan. Ngunit iginagalang ko din po ang opinyon ng iba na huwag isuspende ang mga klase. Alam kong pinahahalagahan nila ang edukasyon. Gaya nga po ng sinsabi ng ating mga magulang "ang edukasyon ang susi sa kaunlaran". Pinapahalagahan ko rin po ang edukasyon gaya ng nakararami gaya ng pagpapahalaga ko sa buhay ko, buhay mo at buhay na bawat mamamayan.
TumugonBurahinsa mga nagdaang araw ay madaming bagyo ang dumaan saating bansa. maaring bukas mamay o sa susunod na mga araw ay magkaroon muli ng panibagong bagyo. subalit kung uulan lamang ng malakas ngaunit kaya namang ituloy ang klase, kailangan pa ba nating ipagliban ang klase?
TumugonBurahinhmm. kung lagi nating gagawin ang ganitong ugali. ay nasasayang ang mga araw na dapat ay may mga bagay bagay tayo na natututunatn. marami tayung maaaring gawin upang mapigil ito. hmm isa na duon ang wag maging tamad dahil lang sa malakas ang ulan hmm. paano aasenso ang ating basa kung dahil lamang sa ulan ay laging pinagliliban ang klase. hmm dapat tayo matuto sa buhay.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinKung ating iisipin, ang ating bansa ay napapalibutan na ng bagyo. Dahil dito, nagdulot ng kalungkutan sa mga taong pumanaw ang kanilang mahal sa buhay. Kaya para sa akin mas makakabuti ang pagkakaroon ng pagliban ng klase para sa proteksyon at seguridad ng mga elementarya at hayskul. Mas mahalaga magsama-sama ang bawat mag-anak dahil hindi natin masasabi na ang konting ulan at hangin ay mananatili dahil maaari itong lumakas at magdulot ng kapahamakan sa mga mag-aaral. Kaya para sa akin maganda ang pagkakaroon ng pagliban sa klase.
TumugonBurahinBatay sa taong, maaaring depende kung "kanino" nga ba tinutukoy sa mismong katanungan. "Tayo" lamang ba na mga estudyante sa antas kolehiyo, o sakop din ba pati ang mga ibang antas?...
TumugonBurahinWalang makapagsasabi nang eksaktong oras at resulta kung kailan mangyayari at kung gaano kapinsala ang isang bagay tulad nang panahon.
Kapag ang pinag-uusapan nang tanong ang "tayo" -- bilang estudyante ng kolehiyo, maaaraing kahit huwag muna tayong lumiban nang klase kahit konting buhos nang ulan lamang. Nasa wastong o kung hindi man, nasa gulang na tayo kung saan kailangan na kailangan na nating tumayo sa mismong sarili nating paa. Kaya tayo may guro upang maging gabay natin sila sa ating huling yugto nang edukasyon. Kaya sila nandyan upang kung may katanungan ka tungkol sa isang bagay, nandyan sila upang sagutin iyon sa abot nang kanilang makakaya. At kaya ka may katanungan dahil na rin sa paraan ng pagbabasa. At kaya nagbabasa ay dahil sa "interesado" kang matuto ang isang bagay, gusto mong masagot mo ang katanungan mo! Hindi lang sa guro ang dahilan kung bakit natuto ang isang tao, kung hindi sa sarili niyang sikap o determinasyon. Kaya nga ta'yo may libro bilang gabay sa oras na ikaw nalang mismo ang magsasabi kung ipagpapatuloy mo pa ba o hindi kahit wala sila, ika nga "time is gold", ngunit wala sa mga kasabihan ang kilos nang tao, at hindi sa lahat nang oras ay nai-aaplay ito...
Ngunit maaari din naman nating sabihin sa katanungan na ito, dapat ipagliban ang klase, ika nga "safety first!" Maaaring tama ang kasagutan na ito, kahit meron tayong mga ahensiyang tulad ng PAGASA na naguulat bawat segundo tungkol sa magiging banta nang panahon, hindi pa sapat ang seguridad natin, isa pa kung titignan natin, hindi pa sapat ang mga instrumento nila, nagpaglumaan na, may mga mas mainam na sa pagbasa ng panahon. Ngunit hindi rin natin sila masisi tungkol dito, ginagawa lamang nila ang trabaho nila, hindi naman sila ang nagsusuplay nang pera nila bilang badyet sa pagkakagastusan nang mga bagay-bagay na kakailanganin nila.
Ikaw mismo ang simula, nasa sa iyo na kung paano ka magaaral, hindi ka matuto kung hindi ka rin interesado, walang bobong estudyante, nagagamit lang ang salitang "bobo" sa estudyante dahil sa pagkakamali nila, pero hindi sa kilos. Tandaan mo, matalino ka, hindi man sa lahat ng bagay, maaaring sa pagdedesisyon. Lahat nang mangyayari sa iyo, dahil na rin sa kinilos mo. Lahat nang bagay pinaghihirapan, sinasakripisyo at pinag-iingatan. At mga bagay na ito ay magsisimula sa bawat isa, ngunit ang huling halakhak ay nasa iyo...
Mag-aral ka man o hindi, may matutunan ka...
ma'am. . .ung ♫ rJ_zer08 ♫ ay si Rj Constantino. . .from 2BSIT-2 po.
TumugonBurahinPara sa akin po bilang estudyante, nararapat lang pong hindi kanselahin ang klase ng kolehiyo tuwing may mahinang bagyo sapagkat kong ikukumpara sa oras na ginugugol ng estudyante sa elementarya sa pag-aaral ng mga lesksyon, ang kolehiyo ay nakafix na yung dapat nilang pag-aralan parang nakaschedule na dapat nating tuparin.Ang elementarya ay halos isang taon mong ginugugol ang iyong pag-aaral kaya marami pang oras na magagamit ng isang guro sa pagtuturo sa mga araling di pa natalakay kahit kanselahin ang klase tuwing bagyo , hindi tulad sa kolehiyo na hanggang first semester lang kung saan halos limang buwan mo lang ginugugol ang pag-aaral. Maiksing panahon lang iyon sa mga kolehiyo kaya kailangang taposin lahat ng aralin bago pa matapos ang isang semester kaya hindi dapat basta-bastang kanselahin ang klase
TumugonBurahinAlam naman nating na ang CHED at ibang government official ay silang nagbibigay pahintulot sa atin kung may pasok ba o wala kaya hintayin na lang natin ang kanilang pahintulot. Malalaki na tayo at alam na natin ang ating ginagawa kumpara sa estudyante ng elementarya. Huwag nating gawing dahilan ang bagyo sa di pagpasok sa skul, huwag nating gawing dahilan ang bagyo sa di mo naipasa ang iyong takdang aralin at proyekto sa guro,teka lang,ito ang laging sinasabi ng estudyante eh “Sayang naman ang baon pag-di tayo pumasok” biro ko lang po.Maging determinado ka dapat na makapagtapos ka sa iyong pag-aaral na busog na busog ang iyong kaalaman. Huwag natin sayangin ang oras dahil sa bagyo kung alam mong safe pa at hindi pa masyadong malakas ang bagyo pumasok ka lang.
Uulitin ko nanaman po, para sa aking opinion huwag dapat kanselahin ang klase tuwing may bagyo hintayin na po natin ang permiso ng PAG-ASA o ang CHED. Opinyon ko lang po lamang ito at lahat naman po ng opinyon ay tama depende na po iyon dun sa taong makapagbabasa nito kung ano ang kanyang reaksyon o saloobin.
Dapat lang kung ang iyong pinapasukang paaralan ay
TumugonBurahinmay permiso o kaya'y napapansin na ang lagay na ng masamang panahon ay mas lalong lumalala
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinDepende kung ang hangin at ulan ay maari pang mapagtiyagaan ay dapat magsakripisyo na lang tayo ng kaunti pa para makapasok ng isang araw sa iskuwelahan. Hindi natin malalaman kung ano ang maaring mahalagang aral na mapupulot sa pagpunta natin sa araw na iyon.
TumugonBurahinPara sa akin, hindi dapat tayo lumiban sa klase dahil lamang sa kaunting ulan o ihip ng hangin dahil mahalaga ang panahon at sayang ang mga aralin na dapat naming matutunan sa araw na iyon o kaya ay panahon na iyon. Dapat tayong pumasok kung kinakailangan at kapag posible para sa atin ang pumunta sa iskul.
TumugonBurahin